*Youre my bestfriend, one friend, count on me, i'll be there, thats what friends are for, awit ng barkada at marami pang iba.
**Ilan lamang yan s mga awiting maaari nating ibahagi s ating mga kaibigan, bestfriend, barkada o anu p man. Kahit s isang simpleng awit may paraang maipadama natin ang kahalagahan nila s ating buhay.
***Marahil sa pagkakataong ito ang ilan s atin ay sarado na ang panawagang ito-wanted true friend. Subalit tila mas maraming patuloy pa rin ang nagwawagayway ng karatulang ito. Isang halimbawa nalang ang aking sarili. Magpapatuloy ang artikulo kong ito na tila isang movie trilogy. Sapagkat para sakin "higit n mas madaling humanap ng isang milyong kaibigan kaysa makatagpo ng isang matalik n kaibigan".
****Hindi ito isang baklang madaling mahanap at naka kalat jan s isang tabi n binabanggit s awit ng grupong Dagtang Lason. Itoy para sakin "isang karayom nakasama s tumpok ng mga dayami".*****Maraming taon na ang lumilipas at patuloy pa rin ako sa paglalathala ng panawagang ito. May mga dumadating subalit higit n mas madami ang umaalis at lumalayo. Ang panandaliang saya, tawanan, lokohan at masayang kwentuhan ay mabilis ding napapalitan ng mahabang araw ng pag-iisa, lungkot, at pagsasarili ng mga problema sa buhay.
Taon n din ang lumipas ng aking matutunan ang pakikipagkaibigan s pamamagitan ng mobile internet. Maraming kaibigan, meron din naman nakumbinseng maging bestfriend ko. Pero tila hindi pa rin sapat ang mga araw ng kasiyahan, kalokohan, kwentuhan at bahagian ng problema.
Akala koy hanggang duon nalang ang mararanasan ko. Subalit isang kamalian ang pag-iisip ko ng bagay na yun. Mayroong naglakas ng loob na kumatok s aking pinto at binitiwan ang katagang "handa na akong maging matalik mong kaibigan"
->Ang maraming araw ng lungkot ng pag-iisa, maraming araw ng walang kasama sa kalokohan,tawanan at kwentuhan tila napalitan, hinawi, at inalis ng katawagan kong parekoy.
Sarap ng tawanan, saya ng kwentuhan, magkasundo s kalokohan hanggang s dumating pa s punto na nagseselos ang girlfriend ng isa sa aming dalawa dulot ng maganda naming samahan. Subalit magkasama p rin namin papalitan ng kalokohan ang maliit na problema ilan lamang yan s mga masarap alalahanin habang magkasama kau ng bestfriend mo.
S pagiging realistic namin s isat isa pakiramdam koy parang nasa harapan ko lang ang parekoy ko o nasa tabi ko malakas na nagtatawanan at tila sapat na sakin ang bagay na yun kahit n alam kong nasa gitna siya ng pilipinas at akoy nasa dulo nito
->Alam kong kahibangan ang bagay na iyon subalit nagpapasalamat ako n sa pagkakataon sa bawat araw na bestfriend ang turing namin s isat isa naisasara ko din ang panawagang ito-wanted true friend.